IKAW PARIN PALA!!!

Minsan, may mga pagkakataong pinaglalaruan tayo ng tadhana.

Subalit hindi natin alam ang mga nangyayari, at ang mga ginagawa.

Kapag ika’y bagsak at nalulumbay, lumingon lang sa iba na para bang napapariwara

At sa kahulihulihan masasabi at masasabi mo parin sa sarili mo na, IKAW PARIN PALA!

 

Akala ko ako’y magiging masaya kapag tayo’y wala na.

Akala ko hindi ako iiyak kapag tayo’y tapos na.

Akala ko ako’y magiging maligalig kapag iniwan na kita.

Akala ko hindi ako magiging malumbay kapag tayo’y wala na.

Akala ko makakalimutan na kita pero hindi pala,

Akala ko hindi ako masasaktan pero ang sakit pala

Akala ko wala ng kwenta ang lahat pero meron pa pala

At akala ko hindi na kita mahal pero akala ko lang pala

Sinisigaw ng damdamin ay ang pangalan mo sinta

KASI IKAW PARIN PALA!

 

Lahat ng naranasan mong sakit dati, ngayo’y nararanasan ko

Kapag nakikita mo ‘ko, na may kasamang iba

Tila ba dinudurog ang yung puso na para bang di ka makahinga.

Subalit ngayon, mas doble ang sakit na aking nadarama

Kapag nakikita kita, na hawak ang kamay ng iba,

Napapaisip nalang ako na dati, ginagawa naman natin yan diba?

Sa tangkad mong yan ikaw ang umaakbay sa akin ang tuwa ko’y di maipinta

Pero sa kanya, pag inaakbayan mo sya, may yakap pa na kasabay,

Tila ba ramdam ang gusto mong sabihin sa kanya na sana… wag ka nalang mawalay.

 

Subalit sa kabila ng aking ipinagsasabi.

Wala, wala ng pag asa na maibalik pa ang dati.

Kasi para sayo, para sa kanya, ito ang makakabuti

Sapat na siguro ang minsan na ikay nag ningning sa akin na parang mga tala

Pero masakit, ang sakit, kasi IKAW PARIN PALA!

 

Advertisements